Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Bakekang Vs. Pedro Penduko Part II

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, February 05, 2007

Bakekang Vs. Pedro Penduko Part II

Mukhang tumitindi ang kumpetisyon sa pagitan ng rival networks matapos ang insidente ng “pambabastos” diumano ng ilang tao ng Dos sa mga artista ng Kapuso network. Si Sunshine Dizon ang partikular na nagrereklamo sa pangyayari. Naganap ang insidenteng ito noong January 28 sa Dinagyang Foundation Festival sa Iloilo kung saan magkasalong magpeperrform sa awarding ceremony ang mga artista ng GMA 7 at ABS-CBN 2.

Dahil hindi nagsimula sa oras ang naturang show, ang original plan na tig-30 minutes na show ng magkabilang istasyon ay hindi na nasunod. Binago ito at ginawa na lamang ng mga organizers na alternate ang production number ng mga artista ng Dos at Siyete. Nangyari ang umano’y “pambabastos” kay Sunshine ng habang nasa stage pa ito bilang Bakekang ay paakyatin na sa stage si Matt Evan ng Dos na naka-Pedro Penduko outfit.
Katwiran ni Sunshine, hindi na lamang siya umimik ay ngumiti na lamang para hindi na mahalata ng audience ang totoong nangyayari. Para sa kanya, sana man lamang ay nirespeto siya ni Matt dahil andun pa siya sa stage at kakanta pa ng isa pang song. Pero pinatayan na raw siya ng mikropono na siya namang ikinagalit ng mga tao from Kapuso network. Para sa kanila, mukhang staged ang pangyayari. Nagkaroon ng sabwatan para mapahiya ang kanilang mga artista.
Pinangaralan ni Sunshine si Matt na matutong rumespeto sa kapwa niya artista. Dumipensa na rin young actor sa pagsabing hindi niya talaga alam na naroon pa sa stage ang aktres. Bigla na lang daw siyang itinulak sa stage mga staff. Nang mapansin siya ng crowd ay instantly nabaling na sa kanya ang atensyon ng mga ito at obviously ay napahiya si Sunshine. Pero para kay Matt, wala siyang intensyong makapanakit ng ibang tao. Sumunod lamang daw siya sa instructions ng mga organizers.



In the end, here's my opinion:
First of all you can tell how biased ang ABS's "The Buzz" sa kanilang pagbalita... Because Shine told in her interviews that she doesn't know who Matt was at first.... Pinalabas na ng Buzz na "Sikat Na Teen Star... Sinabing bastos ng isang Actress".... So ano si Shine, hindi Sikat? And kapal naman talaga ng ni Tita Cristy like always... LOL!

I think it's not really Matt Evans fault at all, talagang victim of circumstance kasi rin sya ng kapabayan ng staff ng DOS.... Kaya tuloy para tuloy ang taray ni Sunshine sa tinngin ng iba... Kung ako si Shine, talagang ang sisihin ko yung mga staff ng local ABS-CBN Iloilo... Kasi sila naman talaga ang nambastos... Hay naku, sila ang walang ethics!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...