Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: StarStruck Avengers sinigawan, itinaboy ng GMA lady guard

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Sunday, October 29, 2006

StarStruck Avengers sinigawan, itinaboy ng GMA lady guard

StarStruck Avengers sinigawan, itinaboy ng GMA lady guard
HOT SHOTS
by : Gerry Ocampo


NAGULAT at hindi makapaniwala ang StarStruck 3 Avengers na sina Vivo Ouano, Bugs Daigo, Ken Punzalan, Johan Santos at Chuck Allie nang sigawan at ipagtabuyan sila ng isang lady guard ng GMA 7 sa audition ng StarStruck: The Next Level last Friday. Ikinuwento ng isang source na marami ang nakarinig nang galit na maglitanya ang babaing sikyu: “Ano’ng ginagawa ninyo riyan, umalis na kayo! Mag-u-audition ba kayo? May number na ba kayo? Kung wala pa, du’n kayo sa labas kumuha at du’n pumila .. Labas!“ Nagmistulang pobre ang mga Avenger na hiyang-hiya sa sinapit sa kamay ng lady guard na mataray. Mabuti na lang at may StarStruck staffer na nandoon at sinabihan ang sikyu na Avengers ang mga ’yun. Ang siste: Instead of saying “Sorry,” ang guard ay nagtaray pa’t nagbitaw ng maaanghang na salitang “Naku, paano ko ba naman sila makikilala, e, wala kasi silang show, ’no?” Paging the GMA 7 management. Dapat siguro na bigyan ng leksyon ’yung lady guard. Sa halip na humingi ng tawad dahil sa kanyang masamang asal, pinalabas pang kasalanan ng Avengers na wala silang show kaya ’di kilala. Idinagdag ng source na sadyang mataras ang dila nu’ng babaing sikyu, because ultimong mga humihingi ng tulong at lumalapit sa Kapuso Foundation at Imbestigador ay nakatitikim din ng pagtataray niya.


Grabe naman yang guard na yan... Dapat sa kanya sisantehen... I mean, bastos naman masyado... Ok lng sana kung sa mga Starstruck Avengers... Pero when it comes to the Filipino People who wants help from Kapuso Foundation... Iba na yan!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...