Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Dennis may matinding tampo kay Mother Lily

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Thursday, October 19, 2006

Dennis may matinding tampo kay Mother Lily

AMBUS
by : Ambet Nabus

KAMI mismo ay nagtaka kung bakit wala sa special advance screening ng TXT ang mga bidang sina Angel Locsin at Dennis Trillo no-ong Martes ng gabi sa Podium Cinema. Bukod tanging sina si Oyo Sotto ang duma-ting kasama ang ama nitong si Vic at ang nobyang si Pia Guanio. Ang dinig namin ay pa-rehong may taping sked ang dalawa. Pero, parang napa-kadali naman yatang makahingi ng permiso para lu-miban sa taping dahil mga bida naman sila ng TXT na nabigyan pa nga ng ‘A’ grade ng Cinema Evaluation Board. At dahil mabusisi kami sa pagtatanong, may napulot kaming medyo nakaiintrigang item tungkol sa maaaring dahilan kung bakit wala ang stars na nabanggit. Ayon sa aming ayaw magpakilalang source, ‘tampo’ pa rin ang dahilan kung bakit nagawa ni Dennis na hindi siputin ang premiere ng kanyang pelikula. Up to this time kasi ay wala man lang malinaw na paliwanag na naririnig ang aktor diumano sa ginawang pagpalit sa kanya ni Richard Gutierrez para sa filmfest entry ng Regal Entertainment na Mano Po 5, Gua Ai Di.Totoong may taping nga si Dennis, pero napakadali naman daw itong ipagpaalam kung ginusto lang ng aktor. What about Angel na halos 99% ay present sa film na TXT? Nakisimpa-tiya kaya siya sa matalik na kaibigan? Napakaraming mga spekulasyon tuloy ang lumabas, lalo pa’t in fairness ay tunay na nakagugu-lat at nakatatakot ang pe-likula. Hindi naman siguro ito bibigyan ng ‘A’ rating kung pipitsugin lang, 'di ba?


* * *AYON pa sa aming source, may malalim daw na pinanggalingan ang ‘tampo’ ni Dennis kay Mother Lily Monteverde. Ang tsika kasi, diretsong ipinangako ni Mother kina Dennis ang proyekto only to find out later na iba na ang gagawa nito. Ang tsika pa nga, ang mismong manager ni Dennis na si Popoy Caritativo pa raw ang nag-suggest na isama sa casting si Christian Bautista dahil sa revision ng script ay ginawa nilang singer ang supposedly ‘katrianggulo’ nina Dennis at Angel Locsin. Sinubukan naming kunan ng pahayag si Popoy, pero hindi ito sumagot sa aming mga tawag at text, marahil para umiwas na lang sa intriga.Aware naman sa sitwasyon na kayang-kayang gawin (at may K naman talagang gawin) ni Mother ang nasabing pagbigay ng go signal o pagpapahinto ng proyekto, pero bilang mga tao, normal lang lang naman siguro silang maghinampo lalo pa’t ni ‘hay o hoy’ ay wala na silang narinig after masabihan silang naibigay na nga sa iba ang nasabing Mano Po 5..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...