Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Sunday, December 07, 2008

A Tribute to Marky Cielo (1988-2008)


name="wmode" value="transparent">

Labels:

Young actor Marky Cielo, 20, dies

MANILA, Philippines - The Philippine Entertainment Portal on Sunday reported that it received a confirmed report that young actor Marky Cielo died at dawn Sunday. He was 20 years old.

The report said the cause of death is not yet clear. An initial report says that Marky died in his sleep. His mother went up to his room in their house in Antipolo City around 6 a.m. to wake him up for a charity event. But he never woke up.

GMA 7 issued the following statement past 4 p.m. Sunday on the death of Cielo.

"Bandang alas 10 kaninang umaga sa Antipolo Doctors Hospital ay idineklarang dead on arrival ang young actor at Starstruck Nationwide Invasion Sole Survivor na si Marky Cielo.

"Ayon sa paunang salaysay ng kanyang ina na si Mildred Cielo, natagpuan niyang nakahandusay ang kanyang anak sa kanilang tahanan sa Antipolo, Rizal, at agad niya itong isinugod sa ospital. Sa ngayon ay hinintay pa nila ang resulta ng imbestigasyon sa sanhi ng pagpanaw ni Marky Cielo bago magbigay ng opisyal na pahayag ang kanyang pamilya.

Tubong Mountain Province at may lahing Igorot si Marky Cielo, at itinanghal na Sole Survivor sa Season 3 ng Starstruck. Hinangaan siya sa kanyang husay sa kanyang pag-arte at pagsayaw.

Huli siyang napanood sa Startok, SOP, at La Lola. Siya rin ang tumatayong Youth Spokesperson ng Department of Health.

Si Marky Cielo ay 20 years old. Bukod sa mga panalangin, humihiling ang pamilya Cielo ng privacy sa matinding dagok na to sa kanilang buhay."

Marky was a product of GMA-7's StarStruck Batch 3, where he won as the "Ultimate Sole Survivor." He was the first Igorot from Baguio City to join the popular reality-based artista search. Among his batchmates were Iwa Moto, Jackie Rice, and Gian Carlo.

After winning in StarStruck, he appeared in several GMA-7 shows which included Encantadia, Fantastikids, Bakekang, Asian Treasures, Boys Next Door, Kaputol ng Isang Awit, and Codename: Asero. But he was best known as Zaido Green in Zaido: Pulis Pangkalawakan.

He was also a mainstay of the musical-variety show SOP and in the primetime series La Lola.

Marky, who is also known for his dancing prowess, grew up in Butuan City but his family moved to the north.

His remains now lies at St. Peter's Chapel in Quezon City. - GMANews.TV and Philippine Entertatinment Portal

Wednesday, November 26, 2008

Pagiging Kapuso ni Diether Ocampo, tuloy na!

FROM a reliable source, we learned that in the bag na ang pagiging Kapuso ni Diether Ocampo.

In fact, alam daw niyang for his first project for GMA-7, he will do the Tagalog adaptation of the Koreanovela All About Eve with Richard Gomez.

Kaya lang daw ’di pa formally ma-announce ang tungkol dito ay dahil busy pa si Richard with his hosting job for Family Feud.

Ilang weeks pa ang itatagal ng nabanggit na game show sa ere.

Ang pinirmahan daw na kontrata ni Diether sa GMA-7 ay guaranteed, meaning to say, may guaranteed number of shows siyang gagawin, aside from some possible films na gagawin niya sa film arm ng Kapuso Network na GMA Films.

Whether magawa niya ang mga nabanggit na projects o hindi, may kabayaran siyang maasahan.

Ang reportedly pinirmahang contract ni Diether is guaranteed for four years.

* * *

Wednesday, October 01, 2008

Juday, nakakatakot sa ‘Kulam’

BASE sa malalakas na hiyawan at tilian ng audience sa premiere night ng Matakot Ka Sa… Kulam nu’ng Martes ay epektibo ang horror flick na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Dennis Trillo.
Sa istorya, naaksidente ang real estate agent na si Mira (Judy Ann). Nagkaroon siya ng traumatic amnesia.
Paglabas ng ospital ay tila nabura ang kanyang memorya. Hindi na niya kilala maging ang asawa niyang si Paul (Dennis) at ang anak nilang si Sophie (Sharlene San Pedro).
Malayo ang loob ng bulag na si Sophie sa inang si Mira dahil abala ito sa trabaho bago ang aksidente at walang panahon sa anak.
Mula nang umuwi sa malaki nilang bahay ay may kung anu-ano nang nakikita at nararamdaman si Mira na hindi niya maipaliwanag. Isang mahiwagang babae ang tila gumugulo at nananakot sa pa­milya niya.
Sinang-ayunan ng kanilang katiwala na si Manang Bising (Ces Quesada) ang mga kakatwang nararamdaman ni Mira.
Sinisikap ni Paul na tulungang magbalik ang alaala ni Mira, pero lalong gumulo ang sitwasyon nang sumulpot ang business partner ni Mira na si Dave (TJ Trinidad).
Ayon kay Dave ay may relasyon sila ni Mira at plano na nilang magsama bago naganap ang aksidente.
Bukod sa ayaw tantanan ni Dave ang mag-asawa, may alam siyang maitim na lihim tungkol sa tunay na pagkatao ni Mira.
***
Matino ang kuwento at maayos pati ang aspetong teknikal ng Mag-Ingat Ka Sa…Kulam.
Malakas ang gulat factor nito, kaya minsan ay OA sa pagtili ang au­dience. Pati ang mga simpleng pagbukas ng pinto o pagkalampag ng aparador ay grabe kung ti­lian nila.
Ang ganda ni Juday at ang guwapo ni Dennis sa screen. Bagay sila bilang mag-asawa at nakakatuwang pinag­tambal ulit sila matapos nilang u­nang magsama sa Aishite Imasu: Mahal Kita (2004).
Ang lakas ng tilian ng fans sa eksenang topless si Dennis at nakatapis lang ng tuwalya habang magkatabi sila ni Juday sa bathtub at naghahandang mag-loving-loving.
Ang laking bagay na pawang magagaling umarte ang bida ng pelikula. Kahit isa lang itong horror flick na hindi mo masasabing pang-award ay hindi nagkulang sina Juday at Dennis sa akting nila.
Saktung-sakto kay Dennis ang papel ng isang asawang dating nagloko at nagsisisi na, subalit naguguluhan sa misteryo at kababalaghang bumabalot sa kanyang asawa.
Bukod sa bumalik ang leading man appeal niya rito ay consistent ang akting ni Dennis at makakasimpatya ka sa supportive husband and loving father na karakter niya.
Maging sina TJ Trini­dad at Sharlene San Pedro ay mahalaga ang papel at umakma sa mga role nila.
Sina Kris Bernal at Mart Escudero ay halos hindi namin naramdaman at halatang pamparami lang.
Walang dudang ang nagdala ng pelikula ay ang bida nitong si Judy Ann Santos, na pagka­galing-galing sa kanyang mga eksena, normal man siya, naguguluhan, nahi­hintakutan o siya m­ismo ang nananakot sa au­dience.
Malinaw niyang nai­pakita ‘yung pagkakaiba ng pagkatao ng dual role niyang sina Mira at Maria.
Ang galing ng pagganap niya sa dalawang magkaibang karakter at hindi siya bumitaw, lalo na sa mga eksenang magkasama ang dalawa.
Nagawa niya rin itong ilayo sa nakaraang horror movie niyang Ouija (2007) at in fairness ay nakakatakot ang itsura rito ni Juday!
***
Bongga ang twist ng istorya sa ending at maayos itong nagawa sa screen nang hindi nagmu­mukhang katawa-tawa ang eksena.
Ang ganda rin ng build-up, na pataas nang pataas ang suspense at katatakutan hanggang sa highlight nito na naganap habang may lunar eclipse.
Maliban sa akting ng mga artista, napakalaking bagay ng mahusay na edi­ting ni Manet Dayrit.
Bilib kami sa wri­ter-director ng Mag-Ingat Ka Sa…Kulam na si Jun Lana bilang isang screenwriter (Sa Pusod ng Dagat, Jose Rizal, Muro Ami, Bagong Buwan, atbp.), pero aaminin na­ming nag-alinlangan kami rito sa Kulam dahil wala pa kaming nagustuhan na pelikulang dinirek niya.
Kalait-lait para sa amin ang mga obra niyang Gigil (2006), ‘Umiyak Man ang Langit’ na isa sa mga episode ng trilogy movie ng Gawad Kalinga na Paraiso: Tatlong Kuwento ng Pag-asa (2007) at Roxxxanne (2007).
Sa wakas ay mapupuri na rin namin si Jun Lana bilang direktor dahil dito sa Kulam.
Ito ang pinakamatinong trabaho niya, kaya baka natagpuan niya sa horror film ang genre na bagay sa kanya.
In all fairness ay may karapatan pala siyang magdirek at deserved ng pelikula ang Gra­ded A na ibinigay rito ng CEB (Cinema Evaluation Board).
Itong Mag-Ingat Ka Sa…Kulam ang ikalimang sunud-sunod na movie ni Juday na naka­kuha ng ‘A’ pagka­tapos ng Kasal, Kasali, Kasalo (2006), Ouija (2007), Sakal, Sakali, Saklolo (2007) at Plo­ning (2008).

Saturday, September 27, 2008

FIRST READ ON PEP: GMA-7 reveals upcoming lineup of shows

Selected members of the entertainment press, including PEP (Philippine Entertainment Portal), had an intimate lunch with the lady executives of GMA-7 earlier today, September 26, at the 17th floor of GMA Network Center in Quezon City.

The five Kapuso lady executives present were Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV; Ms. Marivin Arayata, VP for Entertainment TV; Ms. Lilybeth Rasonable, AVP for Drama; Ms. Darling de Jesus, AVP for Musical & Variety, and Ms. Janine Piad-Nacar, AVP for Games & Talk.

They shared their plans for the rest of the year and for the first quarter of 2009. Before 2008 ends, six new shows will premiere and a new season of a game show will begin.

DRAMA SHOWS. Three new primetime series are slated to replace three soaps that will end this year. First on the list is the Filipino version of La Lola, a hit comedy series that originated in Argentina. This Rhian Ramos-JC de Vera starrer will premiere on October 13, replacing Regine Velasquez's Ako Si Kim Samsoon.

Next in line is Carlo J. Caparas's Gagambino, featuring Dennis Trillo in the title role. It will premiere on October 20 replacing Dyesebel starring Dingdong Dantes and Marian Rivera.

Mark Anthony Fernandez and Heart Evangelista will team up for the first time in Luna Mystica, a romance-fantasy. This is scheduled to premiere on November 17 and will replace Richard Gutierrez's Codename: Asero, in which Heart is also the leading lady.

In the Dramarama Sa Hapon block, Saan Darating Ang Umaga will replace Gaano Kadalas ang Minsan in mid-November. Based on a 1983 Viva films movie directed by Maryo J. de los Reyes, the TV version will star Lani Mercado in the role of Nida Blanca and Yasmien Kurdi playing the role originally portrayed by Maricel Soriano.

GAME SHOWS. Three game shows are also lined up this year. One of the longest-running game shows around the world, Family Feud makes a return to the Philippines, this time hosted by hunky actor Richard Gomez. This will premiere on October 13. Family Feud will occupy the timeslot of Arnell Ignacio's Gobingo.

Janno Gibbs's educational game show Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? will be back for its second season on November 15. It will take over the timeslot of Celebrity Duets, which will have its finals on November 8.

Finally, a franchise of the reality TV sports show My Dad Is Better Than Your Dad, created by Survivor's Mark Burnett, is now in the Philippines. In this show, a number of dads will be paired with their kids and they will compete in each episode by playing stunts and answering questions. GMA-7 is still on the lookout for the show's host, but it is already set to premiere on November 23 after the second season of Tok! Tok! Tok! Isang Milyon Pasok ends.

It was also announced that both Bubble Gang and Startalk will celebrate their 13th anniversary this year.

FUTURE PROJECTS. Year 2009 promises to be a bigger year for the Kapuso network because of the gigantic projects lined up in the first quarter alone.

As reported earlier by PEP, Dingdong Dantes and Marian Rivera will still be paired together in their next primetime series. (
Click here to read Dinno Erece's report.) Ms. Lilybeth Rasonable revealed that Dingdong and Marian will star in the TV adaptation of the 1980 drama movie Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, which starred Vivian Velez and the late Eddie Rodriguez.

The lady executives of GMA-7 also confirmed PEP's report that Richard Gutierrez will don the mask of Zorro as his next project after Codename: Asero. (
Click here to read Dinno Erece's report.)

Another exciting project of the Kapuso network next year is the TV adaptation of Totoy Bato, which starred the King of Philippine Movies Fernando Poe Jr. In the new version, the title role will be portrayed by action superstar Robin Padilla, with possibly boxing champ Manny Pacquiao in the cast. But what really surprised us about Totoy Bato is Robin's leading lady—Regine Velasquez. This will be the follow-up project of Asia's Songbird after the highly-successful Ako Si Kim Samsoon.

Speaking of Ako Si Kim Samsoon, another Koreanovela will be adapted for Philippine TV next year—the hit drama All About Eve. A story of two rival journalists, All About Eve will star Sunshine Dizon and Iza Calzado, who have worked together before in Impostora.

Aside from My Name Is Kim Samsoon and All About Eve, GMA-7 has also bought the rights of two other Koreanovelas: the romantic comedies Full House and Coffee Prince.

Ms. Wilma Galvante revealed that Full House is really intended for Richard Gutierrez and Marian Rivera, but the casting might change depending on the availability of the two major Kapuso stars. As for Coffee Prince, GMA-7 has yet to decide who will play the lead roles.

As for the highly-anticipated Captain Barbell Meets Darna, Ms. Galvante assured us that it will finally push through next year; although she did not disclose whether Richard will reprise his role as Captain Barbell or who will play Darna.

NEW GMA BUILDING. To top these exciting projects, GMA-7 is about to inaugurate its new building on October 17. The GMA Network Studios, which is located directly across the old GMA Building on Jamboree St., will house state-of-the-art studios.

This includes Studio 4, touted to be the biggest in the Philippines and can accommodate 1,000 people. This will soon be the house of SOP and other live shows of GMA-7.

GMA-7 disclosed that they spent P1 billion for the new GMA Network Studios.

Ogie Alcasid thanks Michelle's "new man" at his concert

Naging extra special ang pagdiriwang ni Ogie Alcasid ng kanyang 20th anniversary concert na pinamagatang Twenty/Twenty kagabi, September 27, sa Araneta Coliseum. Ito ay dahil sa presence ng kanyang dalawang anak na sina Leila at Sarah at ang ina nila na si Michelle Van Eimeren.

Isang gabi bago ang concert ni Ogie ay dumating mula sa Australia ang kanyang mag-iina pagkatapos ng mahabang panahon. Si Ogie mismo ang sumundo sa kanila.

Sa panayam kay Michelle ng iba't ibang TV crew sa airport ay sinabi nito ang totoong estado ng relasyon nila ni Ogie. Ayon sa dating Miss Australia, ay matagal na silang divorce ni Ogie, kaya lamang ay hindi pa naa-annul ang kasal nila rito sa Pilipinas.

Kagabi, sa concert ni Ogie, ay nasa harapan ang mag-iina niya at katabi nila ang isang lalakeng foreigner, na kasama ring dumating nina Michelle mula sa Australia.

During Ogie's concert, sinabi niya kung gaano siya kasaya sa pagdating ni Michelle at ng dalawa nilang ana.

"Tonight is one of the happiest nights I will ever, ever have because tonight, after quite a while, my children are here to watch me. I don't get to see you often, Leila and Sarah, and I'm so happy you're here. Seeing you right now, I see how beautiful you are... Buti na lang maganda ang nanay n'yo!" biro ni Ogie.

Patuloy niya, "Of course, I'm so happy that Michelle is here tonight. Palakpakan n'yo po ang taong ito. Thank you for bringing them [their daughters] here, for being there when I'm not."

Pagkatapos nito ay pinasalamatan din ni Ogie ang lalakeng kasama ni Michelle, na ayon na rin mismo kay Ogie ay nagngangalang Mark. "And of course, to you Mark... Mark, you are now tabloid material! Mark, thank you for being there," pahayag ni Ogie.

Hindi man direktang sinabi ni Ogie kung ano ang relasyon ni Mark kay Michelle, mahuhulaang ito ang sinasabing karelasyon ngayon ng dating beauty queen. Kapansin-pansin din ang pagiging malapit ng mga anak nina Michelle at Ogie kay Mark dahil karga-karga nito sa Sarah sa bahagi kung saan nagtayuan ang lahat ng nasa audience para sa huling number ni Ogie.

Pagkatapos nito ay tinawag na ni Ogie ang dalawa niyang anak sa stage, pero si Leila lang ang umakyat dahil nahihiya si Sarah. Katabi sa Leila sa stage at habang nanonood si Sarah sa ibaba ay inawitan ni Ogie ang kanyang mga anak ng kantang "I Will Be Here."

Naging madamdamin ang naturang number dahil sa pamamagitan ng isang awitin ay naiparating ni Ogie ang kanyang nararamdaman para sa kanyang mga anak na madalang niyang makita nang personal. Hindi naiwasan ni Michelle na mapaluha habang pinapanood ang naturang eksena habang marami naman sa audience ang nagpapahid na rin ng kanilang luha dahil nabagbag ang kanilang kalooban.

Sa pagdating ni Michelle at ng kanilang mga anak dito sa Pilipinas, maraming katanungan ang nabigyan ng kasagutan.

Una na rito ang totoong estado ng pagsasama nina Ogie at Michelle. Napatunayang matagal na pala silang hiwalay bagamat hinihintay pa nila ang desisyon annulment case nila rito sa Pilipinas.

Pangalawa ay ang pagiging masaya nina Ogie at Michelle sa pagkakaroon ng bagong pag-ibig ng isa't isa; si Michelle kay Mark at si Ogie naman kay Regine Velasquez.

Incidentally, isa si Regine sa espesyal na panauhin ni Ogie sa kanyang concert kagabi. Ipinakilala ni Ogie si Regine bilang kanyang "leading lady." Inawit nila ang medley ng ilan sa nilikha ni Ogie na si Regine ang kumanta.

Dahil sa pagdating ni Michelle at paglilinaw sa tunay na estado ng pagsasama nila ni Ogie, matitigil na marahil ang espekulasyon ng mga tao tungkol sa relasyon nina Ogie at Regine na binatikos ng marami sa pag-aakalang ang Asia's Songbird ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Michelle at Ogie. Pero mismong si Michelle na ang nagsabi na itinuturing niya at ng kanyang mga anak si Regine bilang bahagi ng kanilang pamilya.

Tuesday, September 09, 2008

Katrina, sasagutin si Mother Lily

Nakabalik na si Katrina Halili mula sa States, masasagot na nito ang nabanggit ni Mother Lily Monteverde sa presscon ng Mag-ingat Ka sa… Kulam na hindi niya sinagot ang sulat nito.

Hinihintay din ng producer ang sagot ng GMA-7 sa isyung pagpirma ng kontrata ng actress sa OctoArts Films para gawin ang One Night Only at Miss X.

Gawin lang daw ni Katrina ang movie at tapos na ang problema niya sa Regal Entertainment.

Sa tanong kung ipati-TRO niya ang movie nito sa OctoArts, “no comment” ang sagot ng lady produ.

Sa kaso ni Angel Locsin, nilinaw ni Mother Lily na hindi sa actress siya galit dahil alam niyang sumusunod lang ito sa utos.

Sa manager ng actress at sa lawyer nito siya may tampo at nagbiro pang mangkukulam siya at nangyayari ang iniisip.

Wish ni Mother Lily na suportahan ng ABS-CBN at GMA-7 ang promo ng movie nina Dennis Trillo at Judy Ann Santos na showing sa October 1.

Inamin nitong nasa mercy ang Regal ng two giant networks.

Kili-kili ni JC, pinagnanasaan

SA Planet Xanadu gay bar (#27 Chico Road, Potrero, Malabon City) kinu­nan ang macho dancing scenes ni JC de Vera sa ‘Pretty Boy’ episode ng Obra (Huwebes nang gabi sa GMA 7).
Aminado si JC na nailang siya sa eksenang gumigiling-giling siya sa entablado nang topless at maiksing maong shorts lang ang suot.
First time niyang ginawa ang pagma-macho dancing kaya sa set ay tinuruan siyang magsayaw ng mga tunay na macho dancer.
Walong MD ang nagsilbing back-up dancers sa una niyang production number na sumayaw siya sa saliw ng kantang Hot Stuff.
Binantayan siya ng direktor na si Rodolfo ‘Jun’ Lana Jr. para maging senswal ang dating niya habang gumigiling sa stage.
Sabi ni Direk Jun, nagkaroon ng transformation ang karakter ni JC. Kung nu’ng una na baguhan pa lang ito ay parang nahihiya itong sumayaw, later on ay humusay na ito sa paggiling at kapiranggot na tapis na lang ang suot.
Nu’ng presscon ay tutok na tutok ang press people sa big screen nang ipalabas ang trailer ng nasabing macho dancing scenes ni JC. Mahaba at babad ang eksena kaya ‘nag-init’ ang ilang baklitang reporter sa napanood nila.
Natawa si JC nang biruin naming pinag-i­nit niya ang pakiramdam ng mga gay reporter sa mapangahas niyang eksena.
Handa na ba siyang pagpantasyahan ng mga babae’t bading?
“Well, kung ano’ng mapanood nila, so be it. ‘Yun na ‘yon. Kumbaga, thankful ako kung magustuhan nila. Okey lang ako. Basta ang alam ko, ginawa ko nang maayos ‘yung trabaho ko. Kung pagpantasyahan ako, okey lang,” napapangiting sey ng guwaping na si JC.
Matutuwa ba siya kung mas marami pang bading ang mag-init sa kanya kapag napanood ang eksenang ‘yon dahil ibig sabihin ay effective ang ginawa niya?
“Syempre, magiging sobrang thankful ako sa lahat. Kasi, nagbunga ‘yung ginawa ko, ‘di ba? Na-please ko ‘yung viewers, so hintayin na lang natin…”
Paano kung after siyang mapanood sa episode na ‘yon ng Obra, imbes na sa mukha niya tumi­ngin ay sa bandang ibaba na siya titigan ng mga bading? Maku-conscious ba siya?
“Oo siyempre, maku-conscious ako. Basta ako, ginawa ko ‘yung work ko. Okey na ako roon,” aniya.
Dahil panay ang taas ng braso ni JC habang animo’y nang-aakit siyang gumigiling sa stage, ang isang narinig naming comment ng mga bading ay parang ang sarap-sarap daw dilaan ng kili-kili ng young actor…
“Ayokong mag-comment sa gano’n. Ha! Ha! Ha!” tawa ni JC, na halatang nahihiya sa mga pilyong tanong.
Flattered ba siya sa mga ganu’ng comments sa kanya?
“Well, ano’ng choice mo? Magiging flattered ka ba o maiinis ka? Parang hindi mo alam, eh!” hirit niya, sabay tawa.
***
Ayon kay JC, ngayong nakagawa na siya ng gano’n ay mas open na siya for daring roles. Stepping stone niya ito para maging isang ganap na aktor.
Nilinaw niya na hindi ibig sabihin, ang kasu­nod nito ay tatanggap na siya ng gay roles na makikipag-gay love scenes siya sa kapwa niya aktor.
Ayaw ring magsalita nang tapos ng 22-anyos na young actor at sabihing hindi niya kayang gawin ‘yon in the future dahil hindi niya rin daw akalain na makakaya niyang mag-macho dancing.
Nauna nang mag-macho dancing si Dennis Trillo sa isang episode ng afternoon soap na Magdusa Ka. Kinabog ba ni JC ang ginawa roon ni Dennis?
“Hindi ko napanood si Dennis, eh! Mabait si Dennis, huwag n’yo na lang bigyan ng kulay. Wala, walang kinabog, walang mas maganda. Basta, mas mahaba yata ‘yung eksena ko,” sagot ni JC.
Dayalog ng manager niyang si Tita Annabelle Rama, si JC na ang next in line sa GMA after Ri­chard Gutierrez, wala nang iba pa. Ano’ng reaksyon niya?
“Tingnan po natin. Well, ako, hindi ako nakikipag-compete kahit na kanino. Meron lang akong inspirasyon siyempre, mga artistang tinitingala ko…
“Nandiyan si Richard, at saka sina Dingdong (Dantes) at Dennis. Syempre, kung anuman ‘yung naabot nila, gusto ko rin sanang maabot ‘yon. Pero para sa akin kasi, slowly but surely ako,” sambit pa ni JC.

Sunday, August 31, 2008

Janice, Gelli at Carmina, mahirap patumbahin!

PITONG taon na pala ang SIS nina Janice, Gelli de Belen, at Carmina Villaroel sa GMA 7. At dahil suwerte ang Siyete, kaya bonggang-bongga ang mga ihahandog nila sa kanilang mga manonood ngayong linggong ito.

Ngayong umaga, ilu­lunsad nila ang bagong OBB at set nila. Sa u­nang pagkakataon ay ipapakita rin nila ang SIS dance nila. At bawat araw, maghahanda rin ng espesyal na anniversary cake ang mga resident chefs ng SIS.

Anyway, sa episode nila ngayong umaga na Siyete sa Siyete Aringking-king! Pitong Dancing Queen at King, pitong dance idols at celebrity choreographers ang magsasama sa isang matinding dance showdown.

Ang mga sikat na dance icons ng bansa ang magi­ging judges ng mga kalahok na sina Mark Herras-Geleen Eugenio, Marky Cielo-Miggy Eugenio, Ryza Cenon-Joy Cancio, Chynna Ortaleza-Regine Tolentino, Rainier Castillo-Jojo Alejar, Edgar Allan-Joshua Zamora, at Roco Twins-Salas twins.

Bukas naman ay Siyete sa Siyete! Kapusong Sikat! Magtatapat-tapat, ang ihahandog nila. Ang pitong Kapuso primetime stars na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Iza Calzado, Jolina Magdangal at Yasmien Kurdi ang mga bida rito.

Abangan niyo pa rito sa kolum namin ang iba’t ibang eksena na ipakikita nila para sa linggong ito. Sabi nga nila, sa pitong taon nila sa TV, naging tambayan na sila ng mga manonood tuwing umaga dahil sa mga nakaaaliw at kaabang-abang na segments nila.

At sisiguraduhin nila na patuloy ang pamamayagpag nila sa ratings game. At patutunayan nila na matatag talaga ang friendship nilang tatlo. At hindi sila basta-basta puwedeng itumba!

Lorna, back from the Holy at ‘di pa handa sa drama

Lorna, ‘di pa handa sa drama

Abu Tilamzik

***
Hindi tinupad ni Willie Revillame ang pangako niyang lalabas siya sa Entertainment Live para tapatan si Joey de Leon sa Startalk.
Pinaghandaan pa naman ni Tito Joey ang tapatang iyun kaya nakapag-isip tuloy ito ng panibagong segment diumano kung saan may panibagong karakter siyang Commentirador.
Si Tito Joey mismo ang gumagawa ng script nito at nag-isip ng konsepto sa bago niyang segment na may komento sa isyung napag-uusapan.
Abangan sa Sabado ang mga bago niyang komento sa mga kasaluku­yang isyu sa showbiz.
***
Miss na miss ng mga Startalk staff si Lorna Tolentino nang bumalik ito para mag-guest nu’ng Sabado at i-promote ang bago niyang commercial na MyDSL.
Bago umalis si Lorna ay binilinan siya ng mga staff na next week, sana’y magkita-kita sila uli.
Hindi makasagot si LT dahil aminado siyang mahal niya ang mga taga-Startalk pero hindi na siya sanay makisali sa mga intrigahan sa showbiz.
Ang commercial niyang MyDSL ng PLDT ang unang trabaho ni LT pagkatapos mailibing si Rudy Fernandez.
Isa lamang iyun sa pinagkakaabalahan niya sa ngayon.
Meron pa sanang gusto siyang kunin mag-guest sa mga drama special pero hindi pa rin siya ganun kahanda.
Mas gusto niyang mga sitcom na lang muna dahil madali lang at light ang mga eksena.
Kinukuha siya para sa isang episode ng Maalala Mo Kaya pero mapili si LT sa script.
Napanood niya ang PS I Love You ni Hi­lary Swank at iyun ang gustung-gusto niyang ga­win,
Sinabihan na ni LT ang anak na si Ralph na sakaling gusto na nitong magdirek, tipong PS I Love You ang gusto niyang gawin na ididirek ng kanyang anak.
Ipinagpatuloy ni Ralph ang pag-aaral ng Movie Directing sa Mowelfund at gusto na rin niyang mag-training sa iba’t ibang direktor.
Sa mga naglabasang balita, parang tiyak na tiyak na ang paglipat ni LT sa ABS-CBN 2 pero sa totoo lang, hindi pa rin nakapirma ang aktres.
Wala pa ring tiyak na proyektong gagawin niya sa Kapamilya network dahil ang pagkakaalam ko, hindi na itong Pieta ni Ryan Agoncillo.
Ang GMA 7 ay meron nang siguradong project na ibinigay kay LT pero pinag-aaralan pa rin nito.
Ang isa pang anak ni LT na si Renz ay gusto na munang tapusin ang pag-aaral at saka na raw niya haharapin ang alok sa kanya ng GMA 7.

Maxene, ‘bininyagan’ ni Wendell

Maxene, ‘bininyagan’ ni Wendell
(ALLAN DIONES)

FIRST mature role ni Maxene Magalona ang karakter niya bilang Jessa Mallari sa sinenobelang Una Kang Naging Akin na magsisimula ngayong hapon sa Dramarama ng GMA kapalit ng Magdusa Ka.
Bukod sa kissing scenes ay may love scenes sila rito ni Wendell Ramos at magkakaroon pa sila ng anak.
Papel na ginampa­nan noon ni Sharon Cuneta sa pelikula ang napunta kay Maxene at ang role ni Wendell bilang si Nick Soriano III ay si Gabby Concepcion ang gumanap sa 1991 Viva Films movie.
“This is my first mature role kaya exciting and very different. Lahat ng ginawa ko rito, bagung-bago kaya nanga­ngapa pa ako.
“But with the help of my co-stars and ni Direk Joel (Lamangan), slowly nagagampanan ko naman ‘yung role. So, kahit na bago for me, tina-try ko ‘yung best ko para magawa nang tama,” nakangiting sey ng magandang dalaga ni Francis Magalona.
21 y/o na si Maxene, pero mukha pa rin siyang 16 y/o, kaya tila alangan siyang bigyan ng mature roles. Dito sa Una Kang Naging Akin ay patutunayan niyang keri na niyang medyo maging daring at hindi panay pa-cute at pa-tweetums lang ang alam niyang gawin.
Kumusta ang kissing scene at love scene nila ni Wendell?
“Okey siya! Ha! Ha! Ha! Actually, hindi ako natakot kahit na it was my first kissing scene ever, as in real kissing scene.
“Kasi nga, very comfortable naman ako to work with Wendell and nagawa naman pong tasteful ni direk and the whole crew ‘yung eksena.
“Okey naman, and they were very understanding na alam nilang it was my first kissing scene and love scene. In one day namin ginawa ‘yung first kissing scene and love scene so, okey siya. Very new and exciting experience for me,” sabi pa ng young star na Atenista.
***
Sanay na si Wendell sa kissing scenes at love scenes. Bukod sa siya ang ‘nagbinyag’ kay Maxene ay may kissing scene at love scene din si Wendell kay Angelika de la Cruz, na gumaganap bilang unang babaeng inibig niya na si Vanessa Yumul.
Pahayag ni Wendell, “Usually, pag mga ganyang scenes, hindi ako nag-aalala o kung anuman, kasi unang-una, kailangan sa eksena ‘yon. At saka sa storycon pa lang, sinabi na ni Direk Joel ‘yung mga kailangan na eksena.
“So, siguro alam naman ng mga co-star ko na mangyayari ‘yung mga ganu’ng eksena. Kaya hindi ko na iniisip na mailang, kasi baka lumabas sa eksena na pilit, eh!
“So, kailangan maging focused lang ako sa gagawin ko. Kaila­ngan, hindi ako matakot sa daddy ni Maxene! Ha! Ha! Ha! Hindi, friend ko kasi si Kiko, eh!” natatawang bulalas ni Wendell, na may eksena ring nag-skimpy trunks siya sa beach.

Marian, crush ni John Lloyd

Marian, crush ni John Lloyd
Joe Barrameda

WISH ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films na pagtambalin sina John Lloyd Cruz at Marian Rivera.
Si Marian ay contract star ng Regal. Kaya raw pinayagan ni Mother na gumawa na ng pelikula si Angel Locsin sa Star Cinema ay para makahiram siya ng artista sa Star Cinema o kung hindi man ay mag-joint venture sila ng Star Cinema. Nang malaman ito ni John Lloyd ay na-excite siya.
Crush pala ni Lloydie si Marian.
Mas gusto raw ni Lloydie ang mga ganitong set-up para matupad ang pangarap niyang makatambal ang taga-ibang network.
Sa ganu’n ay magi­ging mabuti ang samahan ng mga artista sa iba’t ibang network.
***
Marami ang sumuporta sa Move For A Cause benefit show noong Sabado nang gabi sa Zirkoh Greenhills.
Nag-volunteer doon sina Mark Herras, Marky Cielo, Aljur Abrenica, Rhian Ramos, Alyssa Alano at Movers na nanalo sa reality dance contest ng GMA 7.
Nagkasakit kasi ang isang miyembro ng Movers at kinailangan niya ng pamba­yad sa ospital.
Kaya naman hindi nagdamot ang mga artistang nag-perform sa benefit show na ito.
Napakaganda ang gesture ng mga ito na kahit hectic ang ka­nilang schedule ay na­pagbigyan nila ang isang kasamahan sa GMA Artist Center na nangangailangan ng tulong.
Si Mark Herras ay busy sa SOP, mga guesting at out of town shows. Si Marky Cielo ay regular ng Codename: Asero at SOP.
Si Aljur Abrenica ay nasa Dyesebel at SOP at madalas sa Bubble Gang. Si Rhian Ramos ay naghahanda para sa bago niyang teleserye.
Maski hindi taga-Artist Center si Alyssa ay nag-perform siya sa naturang benefit show.
***
Sa show na ito ay maraming nagpa-picture sa mga artista.
Napansin namin na maraming fans ang Kapampangan na si Aljur Abrenica.
Mapa-lalaki, bading at babae ay nagpapa-picture sa kanya. Malakas talaga ang karisma ng taga-Pampanga!
***
Teka! Ano itong lumalaking kaguluhan sa probinsya ng Pampanga na may recall signature daw na marami na ang pumipirma para pababain sa puwesto ang kanilang gobernador na dating pari.
Kasi naman, relihiyon na ang propesyon, kung bakit pinasok pa ang pulitika.
Okay daw naman ang dating pari at hindi pa corrupt pero wala raw itong nagagawa sa Pampanga.
Ayaw raw nitong ipamahagi ang pondo ng probinsya sa iba’t ibang bayan ng Pampanga, lalo na sa mga mahihirap na bayan.
Hindi raw nila maintindihan kung ano ang balak ng pari sa napakala­king pondo ng Pampanga.
Maski raw ang mga kakampi nito noon ay nawala na sa kanya at siyang nagkakalat ng recall signature.
Sinisisi raw ng gobernador ang kalaban niya sa pulitika na hindi naman nagsasalita at tahimik na sa pribadong buhay.
Dapat magpakitang-gilas ang gobernador na ‘yan para hindi siya ma­pababa.
***
Nasa Bukidnon na pala si Angel Locsin kung saan kinukunan ang pelikula nila ni Piolo Pascual.
Kapagkuwan ay tutu­ngo sila sa Australia at doon naman kukunan ang ibang eksena.
Magastos ang pelikulang ito para gawin pa sa ibang bansa.
***
Nasa final stage na ang Ako Si Kim Samsoon.
Ngayong Lunes ay sa Enchanted Kingdom ang last taping nina Regine Velasquez, Mark Anthony Fernandez at Eugene Domingo.
Napakabilis ng panahon. Kailan lang ito nagsimula.
Magaganda at nakakakilig ang mga eksena sa Ako Si Kim Samsoon na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA 7 pagkatapos ng Dyesebel.
***
Dumadami na ang endorsement ni Chris Tiu.
Celebrity na talaga siya, mapa-sports o showbiz.
Nakikita na namin ang mga billboard niya sa EDSA, huh?! Bukod kasi sa basketball ay napapanood siya sa Ripley’s Believe It Or Not tuwing Lunes nang gabi at sa Pinoy Records tuwing Sabado.
Kilala na siya ng mga tao tuwing namamasyal siya sa mga mall at public place.
Ini-enjoy naman ni Chris ang pagkakaroon niya ng celebrity status. Talbog!
***
Nabalitaan naming inatake sa puso si Ely Buendia sa reunion concert ng Eraserheads noong Sabado nang gabi sa The Fort.
Noong una ay naka­ramdam ito ng chest pain bago inatake. Isinugod si Ely sa Makati Me­dical Center.
As press time ay OK na ito, ayon kay Direk Joyce Bernal na close pala kay Ely.
***
Salamat kay Governor Vilma Santos!
Keep up the good work sa probinsiya ng Batangas!

Wednesday, January 02, 2008

Marian’s true love revealed

Marian’s true love revealed
By: Mario E. Bautista
Freehand

MARIAN Rivera is being linked to screen partners Dingdong Dantes and Richard Gutierrez but the grapevine says her real love is a model-cager named Ervic Vijandre who’s been her squeeze since she was a teenager when she was starting to model for TV commercials.

Marian chooses to keep mum when asked about her rumored boyfriend.

“Huwag na lang po natin siyang pag-usapan,” she insists. “Kung puwede po, I want to keep my private life sa akin na lang.”

The plot thickens, though, as one good friend of Marian tells us that she’s no longer going steady with Ervic (who’s really better off as a model as he’s tall and hunky, but he’s not movie star handsome.) “Magkaibigan na lang sila,” says our source. “Marian knows her priorities at mas gusto niya talagang i-focus all her attention now on her showbiz career. She knows she’d just get distracted kung magbo-boyfriend siya.”

How come it’s said she spent Christmas and New Year with Ervic visiting her mom and grandma in their home in Cavite?

“It’s Ervic who insisted na samahan siya,” says our source. “Hindi naman daw niya basta mapipigilan ‘yung tao kung gusto siyang dalawin o samahan.”

Will this revelation about Marian’s secret lovelife affect the ratings of “Marimar” or the box office chances of her movie with Richard, “A Very Special Love”? Seriously, we don’t think so.

At this point, Marian is riding on the crest of a big wave that insures her being popular and on top for the next several seasons. And if she’d know how to play her cards right, then she just might last longer in showbiz than her contemporaries, especially those who are perceived as “walang utang na loob”.

BAD, BAD MOVE

ARA Mina and her sister, Cristine Reyes, seem bent on moving from GMA-7 to ABS-CBN. Ara also wants to have her cake and eat it, too. That’s why she wants to stay in GMA-7’s “Bubble Gang” even if she’s now doing “Prinsesa ng Banyera” on ABS. Honestly, we don’t think accepting “Prinsesa” is a good career move.

Do you honestly think Ara can help up the ratings of this afternoon show? We doubt it. And if ABS bosses would see that she can’t help attract more viewers, we doubt if they’d assign her a lead role in a primetime show.

As for Cristine, she has been dropped from the cast of Robin Padilla’s “Joaquin Bordado”, to be replaced by Iwa Moto. Obviously, GMA bosses are not exactly jubilant about her being linked to Willie Revillame and with her guesting in his “Wowowee”. Now, it’s said Cristine is being tapped to play the title role of the remake of “Eva Fonda, 16”, which originally starred Alma Moreno in 1976.

Someone asked a GMA insider if they’re affected by the decision of Ara and Cristine to move to ABS. “Buh-kitt? (Why?)” says the GMA insider. “Kung si Angel Locsin nga na bigger star than both of them, hindi kami naapektuhan. Kung gusto nilang umalis, di umalis sila. Go and good riddance! Sa panahon ngayon, no star is indispensable kasi madaling gumawa ng bagong stars, as proven by Marian Rivera. And these days, hindi ang stars ang importante kundi ang project. You can have the biggest stars, pero kung palpak ang projects mo, wala rin.”

To that, we can only say amen.

Regine Velasquez -...