Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: August 2008
Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!
Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.
PITONG taon na pala ang SIS nina Janice, Gelli de Belen, at Carmina Villaroel sa GMA 7. At dahil suwerte ang Siyete, kaya bonggang-bongga ang mga ihahandog nila sa kanilang mga manonood ngayong linggong ito.
Ngayong umaga, ilulunsad nila ang bagong OBB at set nila. Sa unang pagkakataon ay ipapakita rin nila ang SIS dance nila. At bawat araw, maghahanda rin ng espesyal na anniversary cake ang mga resident chefs ng SIS.
Anyway, sa episode nila ngayong umaga na Siyete sa Siyete Aringking-king! Pitong Dancing Queen at King, pitong dance idols at celebrity choreographers ang magsasama sa isang matinding dance showdown.
Ang mga sikat na dance icons ng bansa ang magiging judges ng mga kalahok na sina Mark Herras-Geleen Eugenio, Marky Cielo-Miggy Eugenio, Ryza Cenon-Joy Cancio, Chynna Ortaleza-Regine Tolentino, Rainier Castillo-Jojo Alejar, Edgar Allan-Joshua Zamora, at Roco Twins-Salas twins.
Bukas naman ay Siyete sa Siyete! Kapusong Sikat! Magtatapat-tapat, ang ihahandog nila. Ang pitong Kapuso primetime stars na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Iza Calzado, Jolina Magdangal at Yasmien Kurdi ang mga bida rito.
Abangan niyo pa rito sa kolum namin ang iba’t ibang eksena na ipakikita nila para sa linggong ito. Sabi nga nila, sa pitong taon nila sa TV, naging tambayan na sila ng mga manonood tuwing umaga dahil sa mga nakaaaliw at kaabang-abang na segments nila.
At sisiguraduhin nila na patuloy ang pamamayagpag nila sa ratings game. At patutunayan nila na matatag talaga ang friendship nilang tatlo. At hindi sila basta-basta puwedeng itumba!
*** Hindi tinupad ni Willie Revillame ang pangako niyang lalabas siya sa Entertainment Live para tapatan si Joey de Leon sa Startalk. Pinaghandaan pa naman ni Tito Joey ang tapatang iyun kaya nakapag-isip tuloy ito ng panibagong segment diumano kung saan may panibagong karakter siyang Commentirador. Si Tito Joey mismo ang gumagawa ng script nito at nag-isip ng konsepto sa bago niyang segment na may komento sa isyung napag-uusapan. Abangan sa Sabado ang mga bago niyang komento sa mga kasalukuyang isyu sa showbiz. *** Miss na miss ng mga Startalk staff si Lorna Tolentino nang bumalik ito para mag-guest nu’ng Sabado at i-promote ang bago niyang commercial na MyDSL. Bago umalis si Lorna ay binilinan siya ng mga staff na next week, sana’y magkita-kita sila uli. Hindi makasagot si LT dahil aminado siyang mahal niya ang mga taga-Startalk pero hindi na siya sanay makisali sa mga intrigahan sa showbiz. Ang commercial niyang MyDSL ng PLDT ang unang trabaho ni LT pagkatapos mailibing si Rudy Fernandez. Isa lamang iyun sa pinagkakaabalahan niya sa ngayon. Meron pa sanang gusto siyang kunin mag-guest sa mga drama special pero hindi pa rin siya ganun kahanda. Mas gusto niyang mga sitcom na lang muna dahil madali lang at light ang mga eksena. Kinukuha siya para sa isang episode ng Maalala Mo Kaya pero mapili si LT sa script. Napanood niya ang PS I Love You ni Hilary Swank at iyun ang gustung-gusto niyang gawin, Sinabihan na ni LT ang anak na si Ralph na sakaling gusto na nitong magdirek, tipong PS I Love You ang gusto niyang gawin na ididirek ng kanyang anak. Ipinagpatuloy ni Ralph ang pag-aaral ng Movie Directing sa Mowelfund at gusto na rin niyang mag-training sa iba’t ibang direktor. Sa mga naglabasang balita, parang tiyak na tiyak na ang paglipat ni LT sa ABS-CBN 2 pero sa totoo lang, hindi pa rin nakapirma ang aktres. Wala pa ring tiyak na proyektong gagawin niya sa Kapamilya network dahil ang pagkakaalam ko, hindi na itong Pieta ni Ryan Agoncillo. Ang GMA 7 ay meron nang siguradong project na ibinigay kay LT pero pinag-aaralan pa rin nito. Ang isa pang anak ni LT na si Renz ay gusto na munang tapusin ang pag-aaral at saka na raw niya haharapin ang alok sa kanya ng GMA 7.
FIRST mature role ni Maxene Magalona ang karakter niya bilang Jessa Mallari sa sinenobelang Una Kang Naging Akin na magsisimula ngayong hapon sa Dramarama ng GMA kapalit ng Magdusa Ka. Bukod sa kissing scenes ay may love scenes sila rito ni Wendell Ramos at magkakaroon pa sila ng anak. Papel na ginampanan noon ni Sharon Cuneta sa pelikula ang napunta kay Maxene at ang role ni Wendell bilang si Nick Soriano III ay si Gabby Concepcion ang gumanap sa 1991 Viva Films movie. “This is my first mature role kaya exciting and very different. Lahat ng ginawa ko rito, bagung-bago kaya nangangapa pa ako. “But with the help of my co-stars and ni Direk Joel (Lamangan), slowly nagagampanan ko naman ‘yung role. So, kahit na bago for me, tina-try ko ‘yung best ko para magawa nang tama,” nakangiting sey ng magandang dalaga ni Francis Magalona. 21 y/o na si Maxene, pero mukha pa rin siyang 16 y/o, kaya tila alangan siyang bigyan ng mature roles. Dito sa Una Kang Naging Akin ay patutunayan niyang keri na niyang medyo maging daring at hindi panay pa-cute at pa-tweetums lang ang alam niyang gawin. Kumusta ang kissing scene at love scene nila ni Wendell? “Okey siya! Ha! Ha! Ha! Actually, hindi ako natakot kahit na it was my first kissing scene ever, as in real kissing scene. “Kasi nga, very comfortable naman ako to work with Wendell and nagawa naman pong tasteful ni direk and the whole crew ‘yung eksena. “Okey naman, and they were very understanding na alam nilang it was my first kissing scene and love scene. In one day namin ginawa ‘yung first kissing scene and love scene so, okey siya. Very new and exciting experience for me,” sabi pa ng young star na Atenista. *** Sanay na si Wendell sa kissing scenes at love scenes. Bukod sa siya ang ‘nagbinyag’ kay Maxene ay may kissing scene at love scene din si Wendell kay Angelika de la Cruz, na gumaganap bilang unang babaeng inibig niya na si Vanessa Yumul. Pahayag ni Wendell, “Usually, pag mga ganyang scenes, hindi ako nag-aalala o kung anuman, kasi unang-una, kailangan sa eksena ‘yon. At saka sa storycon pa lang, sinabi na ni Direk Joel ‘yung mga kailangan na eksena. “So, siguro alam naman ng mga co-star ko na mangyayari ‘yung mga ganu’ng eksena. Kaya hindi ko na iniisip na mailang, kasi baka lumabas sa eksena na pilit, eh! “So, kailangan maging focused lang ako sa gagawin ko. Kailangan, hindi ako matakot sa daddy ni Maxene! Ha! Ha! Ha! Hindi, friend ko kasi si Kiko, eh!” natatawang bulalas ni Wendell, na may eksena ring nag-skimpy trunks siya sa beach.
WISH ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films na pagtambalin sina John Lloyd Cruz at Marian Rivera. Si Marian ay contract star ng Regal. Kaya raw pinayagan ni Mother na gumawa na ng pelikula si Angel Locsin sa Star Cinema ay para makahiram siya ng artista sa Star Cinema o kung hindi man ay mag-joint venture sila ng Star Cinema. Nang malaman ito ni John Lloyd ay na-excite siya. Crush pala ni Lloydie si Marian. Mas gusto raw ni Lloydie ang mga ganitong set-up para matupad ang pangarap niyang makatambal ang taga-ibang network. Sa ganu’n ay magiging mabuti ang samahan ng mga artista sa iba’t ibang network. *** Marami ang sumuporta sa Move For A Cause benefit show noong Sabado nang gabi sa Zirkoh Greenhills. Nag-volunteer doon sina Mark Herras, Marky Cielo, Aljur Abrenica, Rhian Ramos, Alyssa Alano at Movers na nanalo sa reality dance contest ng GMA 7. Nagkasakit kasi ang isang miyembro ng Movers at kinailangan niya ng pambayad sa ospital. Kaya naman hindi nagdamot ang mga artistang nag-perform sa benefit show na ito. Napakaganda ang gesture ng mga ito na kahit hectic ang kanilang schedule ay napagbigyan nila ang isang kasamahan sa GMA Artist Center na nangangailangan ng tulong. Si Mark Herras ay busy sa SOP, mga guesting at out of town shows. Si Marky Cielo ay regular ng Codename: Asero at SOP. Si Aljur Abrenica ay nasa Dyesebel at SOP at madalas sa Bubble Gang. Si Rhian Ramos ay naghahanda para sa bago niyang teleserye. Maski hindi taga-Artist Center si Alyssa ay nag-perform siya sa naturang benefit show. *** Sa show na ito ay maraming nagpa-picture sa mga artista. Napansin namin na maraming fans ang Kapampangan na si Aljur Abrenica. Mapa-lalaki, bading at babae ay nagpapa-picture sa kanya. Malakas talaga ang karisma ng taga-Pampanga! *** Teka! Ano itong lumalaking kaguluhan sa probinsya ng Pampanga na may recall signature daw na marami na ang pumipirma para pababain sa puwesto ang kanilang gobernador na dating pari. Kasi naman, relihiyon na ang propesyon, kung bakit pinasok pa ang pulitika. Okay daw naman ang dating pari at hindi pa corrupt pero wala raw itong nagagawa sa Pampanga. Ayaw raw nitong ipamahagi ang pondo ng probinsya sa iba’t ibang bayan ng Pampanga, lalo na sa mga mahihirap na bayan. Hindi raw nila maintindihan kung ano ang balak ng pari sa napakalaking pondo ng Pampanga. Maski raw ang mga kakampi nito noon ay nawala na sa kanya at siyang nagkakalat ng recall signature. Sinisisi raw ng gobernador ang kalaban niya sa pulitika na hindi naman nagsasalita at tahimik na sa pribadong buhay. Dapat magpakitang-gilas ang gobernador na ‘yan para hindi siya mapababa. *** Nasa Bukidnon na pala si Angel Locsin kung saan kinukunan ang pelikula nila ni Piolo Pascual. Kapagkuwan ay tutungo sila sa Australia at doon naman kukunan ang ibang eksena. Magastos ang pelikulang ito para gawin pa sa ibang bansa. *** Nasa final stage na ang Ako Si Kim Samsoon. Ngayong Lunes ay sa Enchanted Kingdom ang last taping nina Regine Velasquez, Mark Anthony Fernandez at Eugene Domingo. Napakabilis ng panahon. Kailan lang ito nagsimula. Magaganda at nakakakilig ang mga eksena sa Ako Si Kim Samsoon na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA 7 pagkatapos ng Dyesebel. *** Dumadami na ang endorsement ni Chris Tiu. Celebrity na talaga siya, mapa-sports o showbiz. Nakikita na namin ang mga billboard niya sa EDSA, huh?! Bukod kasi sa basketball ay napapanood siya sa Ripley’s Believe It Or Not tuwing Lunes nang gabi at sa Pinoy Records tuwing Sabado. Kilala na siya ng mga tao tuwing namamasyal siya sa mga mall at public place. Ini-enjoy naman ni Chris ang pagkakaroon niya ng celebrity status. Talbog! *** Nabalitaan naming inatake sa puso si Ely Buendia sa reunion concert ng Eraserheads noong Sabado nang gabi sa The Fort. Noong una ay nakaramdam ito ng chest pain bago inatake. Isinugod si Ely sa Makati Medical Center. As press time ay OK na ito, ayon kay Direk Joyce Bernal na close pala kay Ely. *** Salamat kay Governor Vilma Santos! Keep up the good work sa probinsiya ng Batangas!