Mark Herras at Jennylyn Mercado's New Love Teams
KAHIT magkahiwalay sa projects sa GMA-7 sina Mark Herras at Jennlyn Mercado, hindi iniisip ng young actor na buwag na ang loveteam nila.
“Kasi po siguro, gusto lang subukan ng GMA-7 na ibahin ang partners namin. Hindi naman po siguro binubuwag. Parang sina Angel (Locsin) at Richard (Gutierrez). ’Di ba, dati ang ka-loveteam ni Richard si Chynna (Ortaleza), tapos naging si Angel. Ganundin po siguro sa amin ni Jen,” paliwanag ni Mark.
Sa next project niyang Princess Charming, si Jackie Rice naman ang makakapareha niya samantalang si Jen, si Dennis Trillo pa rin ang makakasama sa Super Twins.
Kinumusta namin ang panliligaw kay Nicole Anderson at say niya, naudlot na naman. Pero hindi dahil sa may nililigawan siyang iba or nabasted siya. Personal and private raw ang dahilan, na ayaw niyang sabihin kaya naintriga kami kung ano ’yun.
Samantala, tuloy na ang dance concert ni Mark sa Zirkoh na siya mismo ang magpu-produce. May dirty dancing din, pero not with Jen, kundi baka sa EB Babes.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home