Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Patok Ang Opening Ng Eat Bulaga!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Tuesday, November 28, 2006

Patok Ang Opening Ng Eat Bulaga!

NAGUSTUHAN namin ang isang opening number ng Eat Bulaga last week na ang tema ay tribute sa mga komedyanteng Pilipino. Makikita mong pinagbuhusan ng panahon at pinag-aralan ang mga ginawa nilang impersonation sa number na ‘yun.

Masasabing pinaka-impressive sa kanyang imperso-nation si Jose Manalo na ginaya si Chiquito. Pati ang kanyang paglalakad ay ga-yang-gaya niya si Chiquito. Pati boses nga ay nagaya rin niya. Kaya nga lang ewan kung bakit pinag-duet pa si-na Jose at Gladys Guevarra na gumaya naman kay Pilita Corrales sa isang kundiman.

Si Chiquito, noong na-bubuhay pa ay kilala sa pagkanta ng mga awitin ng Platters na You’ve Got that Magic Touch o Remember When.

Matindi rin ang ginawa nilang research.

Nagulat kami noong kantahin nina Eppie Quizon at Anjo Yllana, na nag-impersonate naman kina Dolphy at Panchito, ang isang novelty song na ginawa ng mga sikat na kumedyante noon pang 60s �" ang Huwag Kang Mang-Oonse.

Impressive din ang tri-bute para sa Reycards duet na ginawa naman nina Allan K at Paolo Ballesteros.

Kaya lang, komento ng marami, hindi kamukha si Allan K ni Carding.

Mas kamukha raw siya ng isang hindi magandang TV host.

Makikita mo na sa kabila ng kanilang mataas nang ra-tings ay talagang nagsisikap pa rin ang Eat Bulaga na mas mapaganda pa ang kanilang show, kaya talagang kawawa naman ang kanilang kalaban na inilalampaso na lang nila talaga ang ratings sa nga-yon.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...