Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Sunshine magpaparetoke ng mukha

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Sunday, November 26, 2006

Sunshine magpaparetoke ng mukha

HANNGANG sa January 2007 pa pala mapapanood sa Kapuso Netwok ang teledramang Bakekang kung kaya ang viewers ay tuwang-tuwa naman sa ba-litang ito dahil mahaba pa ang panahon para mapanood nila ito.

Ang bawat araw na napapanood nila rito ay nadaragdagan ang excitement dahil sa mga nakakakilig at nakakayanig nilang eksena, lalo na ang salpukan ng tatlong characters na kabataan na pinangunguna-han nina Nadine Samonte (bilang Lorraine), Yasmien Kurdi (Charming) at Lovi Poe (Kristal). Palibhasa’y maganda si Lorraine at panget naman si Charming kaya ganoon na lamang ang pagsusuplada rito. Maging si Kristal ay hindi rin nakaligtas sa panlalait ni Lorraine, na kahit maganda ito pero ina-away pa rin dahil kalaban niya sa popularity sa showbiz.

Inaabangan rin ang walang katapusang bangayan nina Sheryl Cruz (bilang si Valeria) at Sunshine Dizon (bilang si Bakekang). Nagsimulang awayin ni Valeria si Bakekang nang mapa-lapit rito ang asawa niyang si Kristoph (Jay Manalo).

Kaya nang mag-artista ang anak ni Bakekang na si Kristal, ang bawat project na pumapasok rito ay hino-hold ni Valeria, kinakausap niya ang producer at nilalagyan para itigil ang bawat proyektong gagawin sana ni Kristal.

Painit nang painit ang bawat eksena rito. Kaabang-abang din ang nala-lapit na pagpaparetoke ni Sunshine. Ipapaopera niya ang kanyang mukha, ang panget na mukha niyang Bakekang ay pagagandahin na, kaya matutuwa rito ang viewers sa planong ito sa sarili ni Bakekang dahil hindi na siya lalaitin pa ni Valeria dahil pareho na silang maganda.

Malaking rason kung bakit magpapaopera ng mukha si Sunshine, ito ay dahil muli siyang iibig kay Direk Manfred(Marcus Madrigal), direktor ni Kristal sa ibang project nito. Sa tanong kung matutuloy ba ang pagpapaopera ni Bakekang, iyan ang dapat aba-ngan ng televiewers?

Sa parte naman ni Valeria, tiyak na matutuwa ito sa pagpapaganda ni Bakekang dahil hindi na magu-gulo ang kanyang buhay. Umiibig na ito kay Direk Manfred kung kaya hindi na rin mababaling ang simpatiya nito sa kanyang asawang si Kristoph.

Katunayan, nang mabalitaan pala ni Valeria na umiibig ito sa director ay natuwa pa siya. Siya pa ang nagtataboy kay direk Marcus na maging sweet kay Bakekang dahil umano mabait ito.

Ang hindi alam ni Valeria, kapag gumanda si Bakekang ay siguradong darami ang mga manliligaw nito, baka mas lalong mapalapit rito ang asawa niyang si Kristoph dahil maganda na nga.

“Maraming pagbabago rito ang papel ni Bakekang, tiyak na palaging aabangan ito ng viewers dahil ang bawat eksena’y kaabang-abang! Hindi lamang ang mga eksena ko rito ang kanilang aaba-ngan kundi ang ibang characters din.

“Lahat kami rito’y may kani-kanyang sidelights o pang-award na papel kaya palagi nilang aabangan ang bawat yugto nito para hindi sila mabitin!” wika pa ni Sunshine.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...