Juday, nakakatakot sa ‘Kulam’
BASE sa malalakas na hiyawan at tilian ng audience sa premiere night ng Matakot Ka Sa… Kulam nu’ng Martes ay epektibo ang horror flick na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Dennis Trillo.
Sa istorya, naaksidente ang real estate agent na si Mira (Judy Ann). Nagkaroon siya ng traumatic amnesia.
Paglabas ng ospital ay tila nabura ang kanyang memorya. Hindi na niya kilala maging ang asawa niyang si Paul (Dennis) at ang anak nilang si Sophie (Sharlene San Pedro).
Malayo ang loob ng bulag na si Sophie sa inang si Mira dahil abala ito sa trabaho bago ang aksidente at walang panahon sa anak.
Mula nang umuwi sa malaki nilang bahay ay may kung anu-ano nang nakikita at nararamdaman si Mira na hindi niya maipaliwanag. Isang mahiwagang babae ang tila gumugulo at nananakot sa pamilya niya.
Sinang-ayunan ng kanilang katiwala na si Manang Bising (Ces Quesada) ang mga kakatwang nararamdaman ni Mira.
Sinisikap ni Paul na tulungang magbalik ang alaala ni Mira, pero lalong gumulo ang sitwasyon nang sumulpot ang business partner ni Mira na si Dave (TJ Trinidad).
Ayon kay Dave ay may relasyon sila ni Mira at plano na nilang magsama bago naganap ang aksidente.
Bukod sa ayaw tantanan ni Dave ang mag-asawa, may alam siyang maitim na lihim tungkol sa tunay na pagkatao ni Mira.
***
Matino ang kuwento at maayos pati ang aspetong teknikal ng Mag-Ingat Ka Sa…Kulam.
Malakas ang gulat factor nito, kaya minsan ay OA sa pagtili ang audience. Pati ang mga simpleng pagbukas ng pinto o pagkalampag ng aparador ay grabe kung tilian nila.
Ang ganda ni Juday at ang guwapo ni Dennis sa screen. Bagay sila bilang mag-asawa at nakakatuwang pinagtambal ulit sila matapos nilang unang magsama sa Aishite Imasu: Mahal Kita (2004).
Ang lakas ng tilian ng fans sa eksenang topless si Dennis at nakatapis lang ng tuwalya habang magkatabi sila ni Juday sa bathtub at naghahandang mag-loving-loving.
Ang laking bagay na pawang magagaling umarte ang bida ng pelikula. Kahit isa lang itong horror flick na hindi mo masasabing pang-award ay hindi nagkulang sina Juday at Dennis sa akting nila.
Saktung-sakto kay Dennis ang papel ng isang asawang dating nagloko at nagsisisi na, subalit naguguluhan sa misteryo at kababalaghang bumabalot sa kanyang asawa.
Bukod sa bumalik ang leading man appeal niya rito ay consistent ang akting ni Dennis at makakasimpatya ka sa supportive husband and loving father na karakter niya.
Maging sina TJ Trinidad at Sharlene San Pedro ay mahalaga ang papel at umakma sa mga role nila.
Sina Kris Bernal at Mart Escudero ay halos hindi namin naramdaman at halatang pamparami lang.
Walang dudang ang nagdala ng pelikula ay ang bida nitong si Judy Ann Santos, na pagkagaling-galing sa kanyang mga eksena, normal man siya, naguguluhan, nahihintakutan o siya mismo ang nananakot sa audience.
Malinaw niyang naipakita ‘yung pagkakaiba ng pagkatao ng dual role niyang sina Mira at Maria.
Ang galing ng pagganap niya sa dalawang magkaibang karakter at hindi siya bumitaw, lalo na sa mga eksenang magkasama ang dalawa.
Nagawa niya rin itong ilayo sa nakaraang horror movie niyang Ouija (2007) at in fairness ay nakakatakot ang itsura rito ni Juday!
***
Bongga ang twist ng istorya sa ending at maayos itong nagawa sa screen nang hindi nagmumukhang katawa-tawa ang eksena.
Ang ganda rin ng build-up, na pataas nang pataas ang suspense at katatakutan hanggang sa highlight nito na naganap habang may lunar eclipse.
Maliban sa akting ng mga artista, napakalaking bagay ng mahusay na editing ni Manet Dayrit.
Bilib kami sa writer-director ng Mag-Ingat Ka Sa…Kulam na si Jun Lana bilang isang screenwriter (Sa Pusod ng Dagat, Jose Rizal, Muro Ami, Bagong Buwan, atbp.), pero aaminin naming nag-alinlangan kami rito sa Kulam dahil wala pa kaming nagustuhan na pelikulang dinirek niya.
Kalait-lait para sa amin ang mga obra niyang Gigil (2006), ‘Umiyak Man ang Langit’ na isa sa mga episode ng trilogy movie ng Gawad Kalinga na Paraiso: Tatlong Kuwento ng Pag-asa (2007) at Roxxxanne (2007).
Sa wakas ay mapupuri na rin namin si Jun Lana bilang direktor dahil dito sa Kulam.
Ito ang pinakamatinong trabaho niya, kaya baka natagpuan niya sa horror film ang genre na bagay sa kanya.
In all fairness ay may karapatan pala siyang magdirek at deserved ng pelikula ang Graded A na ibinigay rito ng CEB (Cinema Evaluation Board).
Itong Mag-Ingat Ka Sa…Kulam ang ikalimang sunud-sunod na movie ni Juday na nakakuha ng ‘A’ pagkatapos ng Kasal, Kasali, Kasalo (2006), Ouija (2007), Sakal, Sakali, Saklolo (2007) at Ploning (2008).