MALINAW na nasa GMA Network ang momentum ngayon at patunay dito ang ‘di mapigilang pag-angat ng istasyon pagdating sa nationwide ratings.
Ayon sa NUTAM survey ng AGB Nielsen, bumaba sa 1.3% ang kalamangan sa people ratings ng ABS-CBN sa GMA noong Oktubre mula sa 2.3% no-ong Agosto.
Sa Total Urban Luzon, na bumubuo naman ng 76.2% ng kabuuang urban TV population sa bansa, nangunguna na ang GMA sa ratings at audience share simula pa noong Setyembre. Dahil ito sa matinding performance ng Kapuso sa Mega Manila, ganon din sa North at Central Luzon, kung saan umakyat ang la-mang ng GMA sa ABS mula 2.2% noong Agosto hanggang 3.1% noong Oktubre.
Mula rin sa GMA. Nakuha ng Marimar, Mga Mata ni Anghelita, at Zaido: Pulis Pangkalawakan ang tatlong pangunahing puwesto sa listahan ng overall top programs sa Urban Luzon noong Oktubre.
Sa Mega Manila naman, mahigpit pa ring pinanghahawakan ng GMA-7 ang pangunahing puwesto.
Noong Okt. 22 ang kabilang sa 30 pangunahing programa ay gawang Kapuso, at ang top-14 na programa ay galing din sa GMA-7. Wala na yatang makapipigil sa pagsulong ng Kapuso Network.
Patuloy pang pinapaganda ang signal ng Siyete sa mga piling lugar sa Timog Luzon, Visayas at Mindanao, at mukhang malapit na ngang mapataob ang kalaban pagdating sa nationwide ratings.