Michael V nag-iisang Pinoy na nanalo sa 2006 Asian TV Awards
NASA winners’ archive na ang mga pinarangalan sa 2006 Asian TV Awards. Nag-iisang winner si Michael V sa Pilipinas. Muling nakuha ng komedyante ang karangalan bilang Best Performance by an Actor para sa Bubble Gang ng GMA Network. It was his 3rd Asian TV Awards trophy. Napanalunan na ito ni Bitoy noong 2004 at 2005. Highly commended naman si Keempee de Leon para sa Bahay Mo Ba ‘To ng GMA-7 din. Tinalo ng The Ghost Doctor Scenario Co. Ltd., Modem Nine TV -- Channel 9 ng Thailand, -- ang Bubble Gang ng GMA-7 para sa kategor-yang Best Comedy Program. Taong 2004 at 2005 nang parangalan ng Asian TV Awards ang Bubble Gang bilang Best Comedy Program. This year, runner-up na lang ito. Nag-iisang nominee si Sharon Cuneta para sa Sharon ng ABS-CBN at pinarangalan ang megastar as highly commended para sa kategoryang Best Entertainment Presenter. Bigo ang TV Patrol World na masungkit ang Best News Program. Tinalo ito ng CNN Today ng CNN International/Hong Kong at apat pang newscast sa buong Asya. Masuwerte ang ABS-CBN sa kategoryang Best Current Affairs Program dahil pina-ra-nga-lan ang programang Juvenile Injustice bilang runner-up at highly commended ang XXX nina Karen Davila, Henry Omaga-Diaz at Julius Babao. Ilang taon nang namamayagpag ang GMA-7 at ABS-CBN sa drama category ng Asian TV Awards, pero this year, tila naging mailap ang karangalan sa dalawang TV giants ng Pili-pinas. Last year, nakuha ni Nonie Buencamino ang ka-rangalan bilang Best Drama Performance by an Actor para sa Magpakai-lanman at highly commended naman si Lorna Tolentino bilang Best Drama Performance by an Actress para sa Magpaka-ilanman ni Mel Tiangco. LT lost to Eula Valdez para sa performance nito sa Ma-alaala Mo Kaya ni Charo Santos- Concio. Unlucky nga ang Kapamilya at Kapuso sa Asian TV Awards this year. Saving grace si Michael V who won three years in a row.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home